Special power para iutos ang quantitative restrictions sa rice importation dapat hingin ng pangulo sa kongreso

By Erwin Aguilon September 05, 2019 - 09:03 AM

Inirekomenda ni House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda kay Pangulong Rodrigo Duterte na hingiin sa Kongreso ang pagkakaroon ng special power para magpatupad ng quantitative restrictions (QRs) sa pag-aangkat ng bigas sa ibang bansa.

Sa aide-memiore na kanyang pinadala kina Pangulong Duterte, Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez, sinabi ni Salceda na ang naturang hakbang ay maaring gawing last resort kasunod ng pagbaba ng farmgate prices ng palay mula P17.78 hanggang P7 kada kilo sa ilang lugar sa Luzon.

Bagama’t inalis na ang QR sa rice imports matapos maisabatas ang Rice Tariffication Law, sinabi ni Salceda na maari itong ipatupad muli kapag mabigyan ng special powers ang Pangulo.

Maari rin aniyang maglaan ng cash transfers sa mga marginal small-lot farmers at concessional loans naman sa mga magsasaka na may mahigit limang ektaryang lupain.

Bukod dito, sinabi ni Salceda na posible ring igiit ang Republic Act 8800 o ang Safeguards Law para magpataw ng 30 percent hanggang 80 percent tariff sa mga imported rice na lagpas sa Minimum Access Volume (MAV) na 350,000 metric tons.

Magugunita na ang Rice Tariffication Law ay personal na hiniling ng mga economic managers ng Duterte administration bilang isa sa mga nakikita nilang paraan para masolusyunan ang mataas na inflation rate o pagbilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

TAGS: farmers, farmgate, rice importation, rice price, rice tariffication, farmers, farmgate, rice importation, rice price, rice tariffication

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.