NPA, CAFGU at mga may-ari ng punerarya pinatutulong sa pagtugis sa halos 2,000 bilanggo na nakalaya dahil sa GCTA Law

By Chona Yu September 05, 2019 - 08:58 AM

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA), CAFGU at maging ang mga may-ari ng punerarya na tumulong sa mga pulis at sundalo sa pagtugis sa halos 2,000 na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ayon sa pangulo, kung sakaling tutulong ang NPA, maari niyang ikunsidera ang pakikipag-usap muli sa rebeldeng grupo.

Matatandaang tinalikuran na ni Pangulong Duterte ang pakikipag-usap kay Communist Party of the Philippines founding Chairman Jose Maria Sison dahil sa patuloy na pag-atake sa tropa ng pamahalaan.

Ayon sa pangulo, dapat na ring kumilos ang CAFGU dahil sa isang milyong pisong na patong sa ulo sa mga preso na hindi susuko at patuloy na magtatago sa batas.

15-araw lang ang ibinigay na deadline ng pangulo sa mga nakalayang bilanggo para sumuko dahil kung hindi ay paiiralin na niya ang polisiyang ‘dead or alive’.

Ayon sa pangulo, dapat na tumulong na rin ang mga may-ari ng punerarya dahil negosyo naman nila ang pangangasiwa sa mga patay.

Wala naman aniyang ibang sasalo sa mga may-ari ng punerarya kundi ang pamahalaan kapag hindi nagbayad ng serbisyo ang mga pamilya ng napatay.

Dagdag ng pangulo, inatasan na niya si Finance Secretary Carlos Dominguez na maghanap ng mapagkukunang pondo para sa ipangbabayad na P1 milyon reward para sa mga nakalayang bilanggo.

Kabilang sa mga pinasusuko ng pangulo ang mga nakalayang convict sa rape murder victims na Marijoy at Jacqueline Chiong.

 

TAGS: cafgu, convict on heinous crimes, NPA, president duterte, cafgu, convict on heinous crimes, NPA, president duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.