Snatcher bugbog-sarado sa taumbayan matapos magnakaw ng cellphone sa Caloocan

By Jong Manlapaz September 05, 2019 - 08:31 AM

Bugbog-sarado sa taumbayan ang isang magnanakaw matapos maaktuhang nang-agaw ng isang cellphone sa A. Mabini St, Barangay 11, Caloocan City.

Ayon sa kwento ng biktima na si Kimberly Beltran, 19 anyos at isang sales lady nakatayo siya sa lugar at gamit ang ang kanyang cellphone nang bigla na lamang hinablot ito ng suspek na kinilalang si John Eric Dela Cruz, 20 anyos.

Tumakbo palayo ang suspek pero hinabol siya ng biktima at humingi ng saklolo sa mga tao.

Tumulong naman ang taumbayan sa pagtugis kay Dela Cruz hanggang sa madakip ang suspek.

Matapos masukol ginulpi ng mga residente ang suspek.

Dinala na presinto ang suspek at mahaharap sa karampatang kaso.

TAGS: barangay 11, caloocan, cellphone, crime, snatcher, barangay 11, caloocan, cellphone, crime, snatcher

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.