Water level sa Angat dam bahagya pang nadagdagan, nasa 183.45 meters na

Bahagya pang nadagdagan ang water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Alas 6:00 ng umaga ngayong araw, Huwebes, Sept. 5 ay nasa 183.45 meters na ang water level ng Angat dam.

Nadagdagan ito kumpara sa 183.34 meters kahapon.

Samantala, ang Ipo dam naman ay nasa 100.98 meters ang water level, at ang La Mesa dam ay nasa 77.45 meters.

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao, at Pantabangan dams.

Nabawasan naman ang antas ng tubig sa Binga, San Roque, Magat, habang walang pagbabago sa Caliraya dam.

Read more...