PACC itutuloy ang imbestigasyon sa paglaya ng mga preso sa Bilibid

By Ricky Brozas September 05, 2019 - 08:00 AM

Sa kabila nang pagsibak ng pangulo kay BuCor Director Nicanor Faeldon, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC laban sa mga opisyal at kawani ng Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.

Ayon kay Commissioner, Atty Manuelito Luna ng PACC, maging ang mga tagasunod o subordinates ng mga sinibak na opisyal ay hindi makaliligtas sa imbestigasyon.

Lahat nang naging pinuno ng Bucor na nagsilbi mula 2014 hanggang 2019 o bago ang termino ni Faeldon ay saklaw ng imbestigasyon maliban kay dating PNP Chief at Bucor Director Ronald Dela Rosa dahil sa pagiging Senador.

Layon aniya nito na mabigyan ng patas na pagkakataon o due process ang lahat ng mga sangkot at hindi lamang maibunton ang sisi kay Faeldon patungkol sa pagkakapalaya ng libu-libong preso na sangkot sa mga karumal-dumal na krimen.

Aalamin din aniya hindi lamang ang posibleng paglabag sa GCTA law kundi ang posibleng nagkaroon ng korapsiyon sa pagpapalaya sa mga preso at wala aniyang sacred cows sa kanilang imbestigasyon.

TAGS: Bureau of Corrections, Faeldon, investigation, New Bilibid Prisons, pacc, Bureau of Corrections, Faeldon, investigation, New Bilibid Prisons, pacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.