Google magbabayad ng $170M na multa dahil sa pagkuha ng information data ng mga bata sa YouTube

Magbabayad ng $170 million na multa ang Google dahil sa ilegal na pagkulekta at pagbahagi ng information data ng mga bata na naka-subscribe sa kanilang YouTube video service.

Ito ang napagkasunduang halaga ng settlement ng Google sa Federal Trade Commission at New York State Attorney General na maituturing na pinakamalaking halaga sa kasong may kaugnayan sa Children’s Online Privacy Protection Act.

Nilabag umano ng YouTube ang nasabing batas na nagre-require sa mga child-directed websites at online service na magkaroon muna ng parental consent bago kulektahin ang personal information ng mga batang edad 13 pababa.

Kasabay nito, tiniyak ng YouTube na babaguhin ang kanilang alituntunin para sa mga content nilang ang target audience ay mga bata.

Ayon sa pamunuan ng YouTube, ang Google ay maglalaan ng $100 milion na pondo para makalikha ng orihinal na children’s content sa YouTube opara sa mga bata nilang manonood. (END/DD)

Excerpt: Ito ang maituturing na pinakamalaking halaga ng settelement sa kasong may kaugnayan sa Children’s Online Privacy Protection Act.

Read more...