Faeldon umalis na sa BuCor; namaalam na rin sa mga tauhan

By Dona Dominguez-Cargullo September 05, 2019 - 06:43 AM

Nilisan na ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon ang kaniyang tanggapan.

Pasado hatinggabi kanina nang lisanin ni Faeldon ang kaniyang opisina sa BuCor.

Matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak sa kaniya sa pwesto ay agad na nag-alsa balutan ang opisyal.

Sa larawang ibinahagi ng kaniyang abogado na si Atty. Jose Diño Jr., makikita ang nakaligpit nang mga gamit ni Faeldon.

Nagpakuha din ng larawan si Faeldon kasama ang kaniyang mga tauhan.

Bago mag-ala 1:00 ng madaling araw kanila nang tuluyang makaalis sa director general’s quarter si Faeldon kasama ang kaniyang asawa at anak na edad 3 at 1 taon.

Bilin ni Faeldon sa kaniyang mga staff, huwag malungkot. Ang mahalaga ay nagkaroon aniya sila ng pagkakataong manilbihan sa bansa.

Sa kaniyang statement na inilabas kagabi, sinabi ni Faeldon na nagsalita na ang kaniyang commander-in-chief.

At bilang isang sundalo, anuman ang sabihin at ipag-utos ng kaniyang appointing authority ay kaniyang gagawin.

Sinabi ni Faeldon na wala siyang anumang sama ng loob sa pangulo.

TAGS: bucor, Bureau of Corrections, convicts, DOJ, GCTA, Nicanor Faeldon, bucor, Bureau of Corrections, convicts, DOJ, GCTA, Nicanor Faeldon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.