Antique niyanig ng M3.7 na lindol; Intensity IV naitala sa bayan ng Valderrama
Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bayan ng Valderrama sa lalawigan ng Antique.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 18 kilometers northeast ng Valderrama, alas 5:14 ng umaga ng Huwebes, Sept. 5.
Ayon sa Phivolcs, 17 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala naman ang sumusunod na intensities:
Intensity IV: Valderrama, Antique
Intensity III: Tapaz, Capiz
Intensity II: Bago City, Negros Occidental
Intensity I: Malinao, Aklan; San Jose City at Sebaste, Antique; at sa Jamindan, Capiz
Ayon sa Phivolcs hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.