PNP tracker teams tutugisin ang mga napalayang convicts

By Len Montaño September 05, 2019 - 04:32 AM

Kasunod ng ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumuko ang napalayang mga convicts sa loob ng 15 araw, bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng tracker teams na tutugis sa mga ito.

Inutusan ni PNP chief Police General Oscar Albayalde ang lahat ng police units sa bansa na magsagawa ng “accounting” sa 1,700 convicts na napalaya dahil sa batas sa good conduct.

Ayon kay Albayalde, itatalaga ang tracker teams para hanapin ang mga convicts na itatratong fugitives kapag hindi sila sumuko sa loob ng deadline na ibinigay ng pangulo.

Dagdag ng PNP chief, maaaring arestuhin ang mga convicts sa ilalim ng warrantless arrest para sa mga fugitive sa batas.

Magkakaroon ng PNP liaison officer sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) para makakuha ng eksaktong listahan ng mga pangalan at address ng mga napalayang convicts.

 

TAGS: convicts, fugitive, General Oscar Albayalde, good conduct, napalaya, PNP, tracker teams, tugisin, warrantless arrest, convicts, fugitive, General Oscar Albayalde, good conduct, napalaya, PNP, tracker teams, tugisin, warrantless arrest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.