Gilas ‘winless’ pa rin sa 2019 FIBA World Cup matapos talunin ng Angola
Hindi pa rin pinalad na makakuha ng panalo ang Gilas Pilipinas sa ikatlong laban nito sa 2019 FIBA World Cup matapos talunin ng Angola sa score na 84-81 sa China.
Ang ikatlong pagkatalo ng Gilas ay matapos ang dalawang sunod na pagkatalo sa Italy at Serbia.
Nakabawi ang Pilipinas mula sa double-digit na lamang ng Angola, dahilan para mapwersa ang overtime.
Nagsimula ang paghabol ng koponan nang maipasok ni Kiefer Ravena ang tatlong free throws.
Sinundan ito ng jumper ni Andray Blatche at tira mula kay Roger Pogoy kaya nakadikit ang Gilas sa kalaban sa natitirang higit 3 minuto sa 4th period.
Nagkaroon ng overtime ang laro sa pamamagitan ng three-point shot ni CJ Perez.
Pilipinas ang naka-score sa unang tatlong minute sa overtime pero nakagawa ng 7-0 run ang Angola hanggang tuluyan na itong nanalo.
Matapos ang dalawang unang pagkatalo, laglag na ang Gilas at hindi na ito makakaabante sa ikalawang round at mapupunta na sa classification stage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.