Nagpakalat ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ng ilang babaeng pulis sa EDSA, araw ng Miyerkules.
Nasa kabuuang 48 babaeng pulis ang ipinakalat para manduhan ang daloy ng trapiko sa EDSA.
Ayon kay Brig. Gen. Eliseo Cruz, hepe ng PNP-HPG, nagtapos ang mga babaeng pulis ng 45 araw na motorcycle riding course noong 2018.
Gagamitin aniya ito para matutukan ang mga kalsada sa Metro Manila at maging sa ibang rehiyon.
Tiniyak naman ni Cruz na handa ang kanilang hanay para rumesponde sa anumang krimen sa kalsada babae man o lalaki ang pulis.
Ipinapakita rin aniya nito ang gender equality na kung ano ang kayang gawin ng lalaki, magagawa rin nang maayos ng mga babae.
Samantala, 20 oras ang duty ang mga babaeng pulis kung saan hinati sa dalawang shift.
Ang unang shift ay mula alas 5:00 ng madaling-araw hanggang alas 3:00 ng hapon habang ang ikalawang shift naman ay mula alas 3:00 ng hapon hanggang ala 1:00 ng madaling-araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.