Kathryn Bernardo inalay ang tagumpay ng “Hello, Love, Goodbye’ kay Daniel Padilla

By Angellic Jordan September 05, 2019 - 01:14 AM

Inalay ng aktres na si Kathryn Bernardo ang nakamit na tagumpay ng pelikulang “Hello Love Goodbye” sa boyfriend na si Daniel Padilla.

Sa Instagram, nag-post si Kathryn ng ilang larawan kasama ang mahabang sweet message para sa nobyo.

Aniya, maliban sa pagiging inspirasyon, si Daniel din ang nagsilbing support system at lakas niya sa buong panahon ng paggawa ng pelikula sa Hong Kong.

Inamin ng aktres na ang ginampanang karakter bilang Joy ay isa sa pinakamahirap na karanasan niya sa harap at likod ng camera.

Nagkaroon pa aniya ng mga panahon na gusto na niyang bumitaw ngunit si Daniel ang kaagapay niya kahit magkalayo sila.

Ibinahagi rin nito na nilagyan niya ng damit ni Daniel ang unan na lagi niyang niyayakap kapag matutulog.

Nagpasalamat din ang aktres kay Daniel dahil hinayaan siya nitong gawin ang proyekto nang magkalayo sila.

Hindi pa aniya sapat ang salitang “thank you” para ilabas lahat ng nadarama niya para kay Daniel.

Samantala, nakatambal ni Kathryn sa pelikula ang aktor na si Alden Richards. Ito rin ang unang proyekto na hindi si Daniel ang kapareha ng aktres.

Lubos naman ang pasasalamat ng aktres sa mga taong sumuporta sa kaniya para gawin ang nasabing pelikula.

Umabot sa mahigit 880 million pesos ang kinita ng pelikula dahilan para ituring na ito bilang highest grossing movie of all time sa Pilipinas.

 

TAGS: ALden Richards, Daniel Padilla, Goodbye, Hello, inalay, Kathryn Bernardo, lakas, Love, support system, tagumpay, ALden Richards, Daniel Padilla, Goodbye, Hello, inalay, Kathryn Bernardo, lakas, Love, support system, tagumpay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.