4Ps beneficiary, isa pang suspek arestado sa droga sa Cagayan de Oro City

By Len Montaño September 05, 2019 - 12:50 AM

Photo by Menzie Montes

Arestado ang dalawang suspek, kabilang ang beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), sa operasyon ng Philippine Enforcement Drug Agency (PDEA) sa Cagayan de Oro City.

Kinumpirma ng regional office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroong isang Jalilah Macapanton sa mga beneficiaries ng naturang conditional cash subsidy.

Sinalakay ng PDEA ang bahay ng suspek sa Barangay Balulang at naaresto ito sa pagbebenta ng shabu.

Ang babae na naaresto naman sa hiwalay na raid ay nakikilang si Divina Sumagayan alyas Diding.

Ayon kay PDEA regional director Wilkins Villanueva, nakumpiska mula may Macapanton ang 25 grams ng shabu na nakalagay sa 17 plastic sachets na nagkakahalaga ng P170,000.

Nakuha naman kay Sumagayan ang walong plastic sachet ng shabu na may halagang P30,000.

Nabatid na galing sa Marawi City at kalapit na mga bayan ang droga na itinutulak ng mga suspek.

Sinasabing nagnenegosyo si Macapanton habang si Sumagayan ay nasa lending business kaya inaalam kung paano sila nasama sa 4Ps.

Ayon sa PDEA, ginagamit ni Macapanton ang mga alyas na Jalilah Tangco at Pidao Itomama.

Batay naman sa taxpayer’s identification card mula sa Bureau of International Revenue (BIR), Tangco ang apelyido ng suspek habang Macapanton ang nakapangalan sa 4Ps card nito.

Ayon sa DSWD, ang cash aid para kay Macapanton ay ililipat sa panganay na anak nito dahil hindi na itong pwedeng makinabang sa programa bunsod ng pagka-sangkot nito sa iligal na droga.

 

TAGS: 4Ps, beneficiary, BIR, Cagayan De Oro City, PDEA, PDEA regional director Wilkins Villanueva, Raid, shabu, 4Ps, beneficiary, BIR, Cagayan De Oro City, PDEA, PDEA regional director Wilkins Villanueva, Raid, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.