6 hanggang 8 bagyo papasok sa PAR sa first half ng 2016

By Dona Dominguez-Cargullo January 04, 2016 - 06:50 AM

nona effec erwin twitter
File Photo / Radyo Inquirer

Aabot sa anim hanggang sa walong bagyo ang posibleng pumasok sa bansa sa unang anim na buwan ng taong 2016.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) Forecaster Shelly Ignacio, ito ay kasabay pa rin ng patuloy na pag-iral ng El Niño sa bansa.

Sinabi ng PAGASA na maaring mas maging malakas ang mga papasok na bagyo pero ang direksyon ay puro paitaas.

Ang nasabing bilang ng mga bagyo na inaasahang papasok sa bansa sa unang anim na buwan ng taon ay mas kaunti kay sa sa normal na nararanasan sa mga nagdaang taon.

Ayon kay Ignacio, sa unang anim na buwan ng taong 2016, mas kaunti ang bagyong makaaapekto sa bansa kaya mas mababa din ang mararanasang pag-ulan.

Sa naunang pagtaya ng PAGASA, 80 porsyento ng bansa ang makararanas ng tagtuyot sa buwan ng Marso at Abril.

TAGS: 6 to 8 tropical cyclones may enter PAR on the first half of 2016, 6 to 8 tropical cyclones may enter PAR on the first half of 2016

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.