14 arestado sa pagsalakay ng PDEA sa 2 drug den sa Maynila

By Noel Talacay September 04, 2019 - 11:00 PM

PDEA photo

Arestado ang 14 na katao sa pagsalakay ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang drug den sa Barangay 432 sa Sampaloc, Manila Miyerkules ng hapon.

Umabot ng 45 na gramo ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng PDEA na nagkahalaga ng P306,000.

PDEA photo

Maliban sa droga, narekober din ng mga otoridad ang iba’t ibang klase ng drug paraphernalia.

Pinangunahan ng PDEA National Capital Region kasama ang Manila Police ang nasabing operasyon.

Nahaharap ang 14 na mga drug suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive  Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 14 arestado, 45 gramo, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug den, manila, PDEA, Sampaloc, shabu, sinalakay, 14 arestado, 45 gramo, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug den, manila, PDEA, Sampaloc, shabu, sinalakay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.