Nasabat ang nasa 250 kilo ng meat products sa Bicol sa gitna ng banta ng African Swine Fever (ASF).
Ang kontrabando ay nakumpiska ng National Meat Inspection Service Bicol and Veterinary Office sa paliparan sa Legazpi City.
Ayon kay City Veterinary Office head Emmanuel Estipona, bigo ang shipping company na magpakita ng mga dokumento.
Wala anyang kaukulang dokumento para sa shipment ng iba’t ibang uri ng raw at processed meat products na nanggaling mula sa Cebu.
Ibinaon na ang nakumpiskang mga produkto bilang hakbang laban sa ASF.
MOST READ
LATEST STORIES