Duterte hindi tatanggalin ang mga POGO

By Len Montaño September 04, 2019 - 10:28 PM

Hindi tatanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Chinese online casinos na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kabila ang apela ng China.

Ayon sa pangulo, ang pagbabawal sa POGO ay makakaapekto sa ekonomiya ng bansa at maraming manggagawa ang mawawalan ng trabaho.

Ang naturang posisyon ay ipinarating na ng pangulo kay Chinese President Xi Jinping sa pulong nila sa Beijing noong nakaraang linggo.

Ipinaliwanag ni Duterte kay Xi na maraming manggagawa ang mawawalan ng kita kung idedeklara niyang iligal ang POGO.

“Maybe out of courtesy I will listen to you, but I decide…I decide that we need it. So many will lose their jobs,” pahayag ng pangulo.

Gayunman pinaalalahanan ng pangulo ang naturang online casinos na mag-remit ng kanilang kita sa gobyerno kundi ay mananagot ang mga ito.

 

TAGS: ban, Chinese President Xi Jinping, hindi tatanggalin, iligal, online casino, POGO, Rodrigo Duterte, ban, Chinese President Xi Jinping, hindi tatanggalin, iligal, online casino, POGO, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.