Tatlong drug suspek, arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

Timbog ang tatlong lalaking drug suspek matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Upper Everlasting sa Brgy. Payatas A, Quezon City, bandang alas-12:30, Miyerkules ng madaling araw, September 4.

Target ng mga otoridad ang mga suspek na sina Nasser Albino Sindato, 34-anyos; Ismael Haji Wahid, 22-anyos; at Marvin Cahilig Devera, 22-anyos.

 

 

Narekober sa mga suspek ang 3.2 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P21,700.00 at P200.00 na ginamit bilang buy-bust money.

Pinangunahan ang nasabing operasyon ng Quezon City Police Station 6 Drug Enforcement Unit.

Paglabag sa Republic Act of 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharaping kaso ng tatlong suspek.

Read more...