Aabot na sa mahigit kalahating milyong mga manggagawa ang na-regular sa trabaho mula noong taong 2016.
Sa budget briefing ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa House Appropriations Committee, sinabi ni
Labor Sec. Silvestre Bello III na resulta ito ng pangako ng Duterte administration na wakasan ang kontraktwalisasyon sa
bansa.
Sa kalahating milyong na-regular na empleyado, 65 percent nito ay resulta nang pagkukusa ng kanilang sariling mga
employer.
Gayunman, aminado si Bello na marami pang kailangan na gawin ang DOLE upang mapasunod ang mga employers na
gawing regular ang kanilang mga empleyado.
Magugunita na kamakailan lang ay hindi nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-endo bill, pero sa ngayon may
mga panukala nang inihain sa Kongreso para rito.