Mga preso na napalaya dahil sa GCTA law ipinababalik sa kulungan ni Duterte

By Den Macaranas September 04, 2019 - 07:43 PM

Inquirer file photo

Binibigyan lamang ng labing-limang araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga preso na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law na sumuko sa mga otoridad.

Kung hindi sila ay ita-trato bilang mga “fugitive” o pinaghahanap ng batas ayon sa pangulo.

Dagdag pa ni Duterte, “If you do not, beginning from this hour, you are a fugitive from justice.”

Pinayuhan rin niya ang halos ay 2,000 mga nakalayang preso na kaagad na makipag-ugnayan sa mga himpilan ng Philippine National Police o kaya ay detachment ng militar para ayusin ang kanilang muling pagsuko.

Kasabay ito ng pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Correction Director Nicanor Faeldon.

Inatasan rin ng pangulo ang Department of Justice na magsagawa ng review sa kaso ng mga nakinabang sa GCTA.

Binanggit rin ni Duterte na handa niyang harapin ang anumang kaso na pwedeng isampa laban sa kanya kaugnay sa muling pagpapakulong sa mga pinalayang bilanggo.

“I am ready to be investigated, ready for impeachment, ready to resign if warranted”, paliwanag pa ni Duterte.

Pinag-aaralan na rin ng pangulo na maglaan ng tig P1 Million na bounty sa bawat isa para sa ikadarakip ng mga nakinabang sa GCTA law.

TAGS: AFP, Bureau of Corrections, convicts, DOJ, duterte, Faeldon, GCTA, PNP, AFP, Bureau of Corrections, convicts, DOJ, duterte, Faeldon, GCTA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.