Ikalawang biktima sa pamamaril noong Bagong Taon, patay na

By Kathleen Betina Aenlle January 04, 2016 - 04:22 AM

raymundo lizaPumanaw na ang pangalawang biktima sa pamamaril sa Taguig noong Bagong Taon.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa dibdib at tyan ang biktimang si John Edward Pascual, na idineklarang patay sa Ospital ng Makati noong Sabado nang pagbabarilin sila ng lasing na barangay tanod na si Raymundo Liza.

Bukod kay Pascual, patay rin noon pang Biyernes ng hapon ang 7 taong gulang na batang si Mark Angelo Diego na tinamaan rin ng bala sa ulo.

Ayon sa Taguig police, agad nag-alsa balutan ang suspek na si Liza kasama ang kaniyang asawa pagkatapos ng insidente.

Matatandaang noong Bagong Taon, dakong alas 12:20 ng madaling araw, magkakasama sa isang pagtitipon-tipon ang mga biktima kasama ang iba pang kaanak at kaibigan bilang pagsalubong sa 2016 at pagdiriwang ng kaarawan ng ama ni Diego nang bigla silang pagbabarilin ni Liza.

Hindi bababa sa limang beses na nagpaputok si Liza gamit ang kalibre .45 na baril na hiniram lang umano niya sa kaniyang pinsan.

Nanawagan ang pamilya ng batang biktima sa mga otoridad sa agad na ikadarakip ng suspek.

Samantala, napunta na sa Taguig police ang hurisdiksyon sa paghawak sa kaso matapos magkalinawan sa Makati police sa pamamagitan ng pagtukoy ng kung saan mismong naganap ang insidente.

TAGS: new year shooting 2nd victim dies, new year shooting 2nd victim dies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.