Humihingi ng public apology at rectification si presidential spokesman Salvador panelo mula sa pamunuan ng Inquirer.net at Rappler Incorporated.
Ito ay matapos ang aniyay malisyosong artikulo ng dalawang media outlet na nagsasabing inindorso at inirekoemnda niya sa Board of Pardons and Parole (PBB) na pagkalooban ng executive clemency ang kanyang dating kliyente na si convicted rapist at murderer Antonio Sanchez.
Ayon kay Panelo, ini-refer lamang niya ang apela ng pamilya Sanchez.
Malaki aniya ang pagkakaiba ng “referral” sa salitang inindorso o inirekomenda dahil ang dalawang nabanggit ay may authority o pangungumbinsi sa BPP na palayain si Sanchez.
Ayon kay Panelo, kung mabibigo ang Inquirer.net at Rappler na mag-isyu ng public apology, itutuloy niya ang paghahain ng kasong libel.
Malinaw aniya na binigyan ng malisya ng dalawang media outlet ang kanyang liham dahilan para madungisan ang kanyang pagkatao.
“It is clear that they have publicly and maliciously imputed to me an act, if not a crime, a vice or defect, which caused the dishonor, discredit or contempt of my person”, ayon pa sa kalihim.