Panelo kinumpirmang dalawang beses na nakipagpulong sa pamilya Sanchez

By Chona Yu September 04, 2019 - 01:04 PM

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi lang isa kundi dalawang beses niyang nakaharap sa Palasyo ng Malakanyang ang pamilya ni convicted rapist at murderer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Sa unang report ng Radyo Inquirer, unang bumisita kay Panelo si Elvira Sanchez, asawa ng dating mayor noong February 7, 2019.

Sumunod na bumisita si Elvira kasama na ang anak na si Marie Antonelvie kay Panelo noong February 26, 2019.

Ayon kay Panelo, malinaw ang kanyang sinabi sa pamilya Sanchez na hindi na niya pakikialaman ang hirit na executive clemency para sa kanyang dating kliyente kung kaya agad niyang ini-refer ang kanilang request sa Board of Pardons and Parole.

Sinabi pa ni Panelo na malinis ang kanyang kunsensya dahil hindi niya kailanman iinirekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte o kay Senador Bong Go na bigyan ng clemency si Sanchez gaya ng inihihirit ng kanyang pamilya.

Matatandaang sa press briefing kahapon sinabi ni Panelo na isang beses lang niya nakaharap ang mga anak ni Sanchez.

TAGS: Antonio Sanchez, elvira sanchez, Salvador Panelo, Antonio Sanchez, elvira sanchez, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.