Pamilya Batocabe nagpasaklolo sa Kamara sa isyu ng pagpatay kay Rep. Batocabe

By Erwin Aguilon September 04, 2019 - 01:01 PM

Nagpasaklolo na sa Kamara ang pamilya ng pinaslang na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Humarap sa media ang maybahay na si Ginang Gertie Batocabe at ang anak na si Atty. Justin Batocabe Kasama si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, at nagpahayag ng pagkadismaya sa pagpayag ng korte na makapagpyansa ang mastermind sa pagpatay sa kongresista na si dating Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Humihingi ng tulong si Atty. Batocabe sa pangulo, sa DOJ at sa Supreme Court sa posibleng pagpapalaya kay Baldo.

Dismayado ang pamilyang Batocabe na sa kabila ng malalakas na ebidensya at non-bailable offense sa double murder case kay Baldo ay nagtataka sila kung pano pinayagan ng korte na makapagpyansa ito.

Sinabi naman ni Garbin na tila nabalewala ang P50 Million bounty na pinag-ambagan noon ng Office of the President, ng Kamara, ng Ako Bicol Party list at ng mga taga Albay.

Maghahain ng motion for reconsideration ang pamilya Batocabe para maharang ang nakatakdang pagpapalaya sa mastermind sa pagpatay sa kanilang kapamilya.

TAGS: Carlwyn Baldo, Murder, radyoinquirer, Rodel Batocabe, Carlwyn Baldo, Murder, radyoinquirer, Rodel Batocabe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.