Pia Wurtzbach isa na ring vlogger; naglunsad na ng kaniyang YouTube Channel

Usong-uso ngayon sa mga Filipino celebrity ang pagkakaroon ng sarili nilang YouTube channel.

Ilan sa mga patok na patok sa video sharing site ay sina Alex Gonzaga at Heart Evangelista.

Si Alex ay mayroon nang mahigit sa 4 million subscribers at si Heart naman ay nasa 1.1 million follower sa kanyang YT channel.

Pinaka-bagong vlogger si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sinimulan ni Pia ang kanyang channel noong September 1 kung saan nagpatikim siya ng ilang mga teaser na matutunghayan sa kanyang channel.

Ayon sa beauty queen, mapapanood sa kanyang channel ang mga ginagawa niya sa araw-araw kabilang ang mga photoshoots, mga biyahe, mga events o kaya ay simpleng ganap lang sa bahay.

Read more...