American national hinarang sa NAIA matapos isilid sa loob ng bagahe isang sanggol

By Dona Dominguez-Cargullo September 04, 2019 - 11:56 AM

Inquirer file photo
Hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang American national matapos matuklasan ang sanggol sa loob ng bagahe nito.

Isinailalim sa interogasyon ng Airport authorities ang dayuhan na nakilalang si Jennifer Erin Talbot.

Naharang sa NAIA Terminal 3 si Talbot dahil nakita ang sanggol sa kaniyang hand carry na bagahe.
Ang mga tauhan ng Delta Airlines ang nakipag-ugnayan sa Immigration authorities para iulat ang insidente.

Ayon kay Grifton Medina, hepe ng Port Operations Division ng BI, wala ring naipakitang dokumento ang dayuhan para ibiyahe ang bata palabas ng bansa.

Nabatid na anim na araw pa lamang naisisilang ang sanggol na isang Pinoy.

Iniulat naman na ng BI sa US Embassy ang insidente.

TAGS: american national, baby inside hand carry, Immigration, naia terminal 3, american national, baby inside hand carry, Immigration, naia terminal 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.