Bilang ng “likes” posibleng hindi na isapubliko sa Facebook
Isa ba kayo sa mga natutuwa kapag maraming “likes” ang inyong post sa social media?
Kinokonsidera ngayon ng Facebook na huwag nang i-display ang bilang ng mga “likes” ng mga post sa sikat na social networking website.
Katwiran ng kompanya, layon nitong maibsan ang anila’y pressure sa isang user para magustuhan ang kanilang mga post at sa halip ay i-sentro lamang ang atensyon sa kung ano ang makikita o mababasa.
Ang kahalintulad na hakbang ay nauna nang ginawa ng photo sharing site na Instagram, na pag-aari rin ng Facebook.
Sinubukan ng Instagram na itago ang “like counts” maging ang “video views tallies” sa ilang mga bansa.
Gayunman, makikita pa rin ito ng account holders pero hindi ng publiko.
Una na rin itong sinubukan ng Twitter kung saan hindi makikita ang bilang ng “liked” at “retweeted” post.
Natuklasan ng Twitter na mas maraming tao ang tumutunghay kapag hindi nila nakikita kung ilang “likes” o ilang “retweet” ang isang post.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.