Alden Richards mananatiling Kapuso; nag-renew ng kontrata sa GMA-7

By Jimmy Tamayo September 04, 2019 - 11:10 AM

Bilang patunay na mananatili siyang Kapuso, pumirma si Alden Richards ng bagong kontrata sa GMA Network.

Matapos mag-renew ng kontrata sinabi ng aktor na “never” daw niyang inisip na lumipat ng ibang network lalo’t maganda naman ang pagtrato sa kanya sa GMA 7.

Dagdag ni Alden, sa loob ng siyam na taon na pagiging Kapuso, hindi naging madamot sa kanya ang network gaya ng pagpayag na makagawa siya ng proyekto sa ibang produksyon.

Bukod sa Pambansang Bae, may bagong bansag ngayon si Alden bilang “Asia’s Multimedia media” matapos siyang tumanggap ng parangal sa 2019 Seoul International Drama Awards sa South Korea kamakailan.

Sinabi pa nito na posibleng gumawa siya ng proyekto sa labas ng Pilipinas.

Samantala, muling naging emosyonal si Alden sa thanksgiving party ng Star Cinema para sa tagumpay ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye.”

Sa party na ginanap martes ng gabi, isa-isang nagsalita ang bumubuo ng HLG sa pangunguna ni Direk Cathy Garcia-Molina na labis ang pasalamat sa pangunahing bida ng pelikula sa katauhan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Labi-labis din ang pasalamat ni Alden sa lahat ng kasama sa pelikula dahil hindi daw siya itinuring na iba.

“Gusto ko ipagpasalamat sa ABS-CBN at Star Cinema na hindi nila ako tinrato na taga-iba, taga-kabilang network, taga-GMA. I’m so grateful na I was treated the same way that all of the actors here at ABS-CBN are treated,” ayon sa Kapuso actor.

Ang “Hello, Love, Goodbye” ay kumita na ng higit sa P880-milyon at itinuturing na ngayon na “highest grossing Pinoy movie of all time.”

TAGS: ALden Richards, GMA 7, Goodbye, Hello, highest grossing Pinoy movie of all time, Kapuso Network, Love, ALden Richards, GMA 7, Goodbye, Hello, highest grossing Pinoy movie of all time, Kapuso Network, Love

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.