Dating Daraga Mayor Carlwyn Baldo nakapagpiyansa na

Naglagak na ng piyansa si dating Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Si Baldo ang pangunahing akusado sa pagpatay kay Ako Bicol Part list Rep. Rodel Batocabe at security escort nito.

Aabot saP8 milyon ang piyansang inilagak ni Baldo sa korte para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Noong nakaraang linggol ay pinayagan ng Legazpi City RTC na makapagpiyansa si Baldo dahil nabigo umano ang prosekusyon na magpresenta ng sapat na ebidensya upang mabasura ang motion for bail ng dating mayor.

Si Baldo ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Batocabe.

Dismayado naman ang pamilya Batocabe dahil dapat anila ay non-bailable ang kasong murder ni Baldo.

Read more...