Pinakaraming bilang ng estudyanteng nakinabang sa libreng sakay sa MRT-3 naitala kahapon
Umabot sa 2,532 pasaherong estudyante ang nagbenepisyo sa Student Free Ride Program ng DOTr MRT-3 kahapon, Sept. 3.
Ito na ang pinakamataas na bilang na naitala mula nang ipatupad ang programa noong July 1.
Sa kabuuan, 63,609 na mag-aaral na mula pre-school hanggang kolehiyo, kasama na ang mula sa mga trade/vocational school, ang nagbenepisyo sa programa.
Ang libreng sakay sa MRT-3 ay maaaring ma-avail ng mga estudyante mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 6:30 ng ng umaga, at mula alas 3:00 ng hapon hanggang alas 4:30 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, maliban sa holiday.
Tuloy pa rin ang pagtanggap ng aplikasyon para sa Student Free Ride ID.
Maaaring makapag-apply online bisitahin lamang ang link na https://tinyurl.com/y66f8nr4 at sagutan ang application form.
Pwede rin ang personal application sa Malasakit Help Desk na makikita sa mga istasyon ng MRT-3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.