Hollywood star na si Hailee Steinfeld magkakaroon ng fan meet sa Pilipinas

MCA Music Photo
Darating sa bansa ang Hollywood star na si Hailee Steinfeld.

Inanusyo ng MCA Music na magkakaroon ng fan meet si Steinfeld sa Eastwood Mall Open Park sa Biyernes, September 6.

Ang magandang balita ay libre ang aktibidad at maaring magpunta sa lugar ang kaniyang fans.

Si Steinfeld ay huling bumisita sa bansa noong April 2016 para sa isang mall tour.

Naging tanyag siya matapos ang kaniyang pagganap sa 2010 film na “True Grit” kung saan naging nominee pa siya sa Oscars.

Kamakailan napanood si Steinfeld sa pelikulang “Bumblebee” at siya rin ang nasa likod ng boses ni Gwen Stacy sa animated film na “Spider-Man: Into the Spider-Verse.”

Tuloy din ang music career ni Steinfeld at isa sa kaniyang bagong singles ay ang “Capital Letters”.

Read more...