Pole vaulter EJ Obiena nakapasok sa Tokyo Olympics
Ang Pinoy pole vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena ang naging kauna-unahang Filipino na nag-qualify para sa 2020 Tokyo Summer Olympic Games.
Ito ay makaraang magtapos si Obiena sa 5.81 meters sa Men’s Pole Vault competition na ginanap sa Chiara, Italy.
Dahil sa tagumpay na ito ni Obiena nakakuha na siya ng spot para sa 2020 Tokyo Olympics.
Si Obiena ang may hawak ng Asian champion title para sa nasabing kompetisyon at binura niya ang sairling national record na 5.76 meters.
Binati naman ng Philippine Sports Commission (PSC) si Obiena sa kaniyang tagumpay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.