Faeldon liable sa pagpapalaya sa mga heinous crime convict ayon kay Rep. Rodriguez

By Erwin Aguilon September 04, 2019 - 09:53 AM

Dapat papanagutin si Bureau of Correction (BuCor) chief Nicanor Faeldon dahil sa paglabag niya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law bunsod na rin sa pagpapalaya sa mga convicted prisoners na may mga kasong heinous crimes.

Sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, isa sa may akda ng GCTA Law, malinaw ang intensyon ng naturang batas na hindi dapat palayain ang preso na heinous crime ang nagawa.

Paliwanag pa ni Rodriguez na base sa batas, na ang BuCor Chief ang magbibigay nito at siyang mag-uutos na palabasin ang isang preso.

Lumabag din anya sa batas ang Bucor chief dahil nakasaad dito na walang convicted na preso ang maaariing palabasin kung ang kaso nito ay isang heinous crime.

Nauna nang inamin ni Faeldon sa senate hearing noong Lunes na siya ang pumirma ng dokumento sa nakatakda sanang pagalaya ni Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na convicted dahil sa mga kasong rape at murder noong 1995.

Ang pagpapalaya din uamno sa mga convicts sa Chiong sisters na may kasong rape at murder at ang pagpapalaya sa mga kaso ng Chinese drug lay malinaw na paglabag sa GCTA Law.

Malinaw anya na nilabag ni Faeldon ang Section 6 ng RA 10952 o ang penal clause ng GCTA Law.

TAGS: Bilibid, bucor, convicts, GCTA Law, heinous crimes, Nicanor Faeldon, Bilibid, bucor, convicts, GCTA Law, heinous crimes, Nicanor Faeldon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.