Walong Pinoy kabilang ang tatlong menor de edad na lumikas mula sa Libya darating sa bansa bukas

By Dona Dominguez-Cargullo September 04, 2019 - 06:37 AM

Darating sa bansa bukas ang panibagong batch ng mga Pinoy na lumikas mula sa Libya.

Ang walo ay kinabibilangan ng tatlong menor de edad.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), inilikas sila kahapon ng umaga mula sa Tripoli at ngayong umaga ay nakarating na sila sa Tunis.

Magpapalipas muna sila ng gabi doon bago bumiyahe bukas pabalik ng Pilipinas.

Sa kabuuan nasa 107 nang Filipinos ang natulungan ng pamahalaan para makabalik ng bansa mula ng sumiklab ang kaguluhan sa Libya limang buwan na ang nakararaan.

TAGS: filipinos, libya, repatriation, Tripoli, filipinos, libya, repatriation, Tripoli

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.