Sikat na clothing line na Forever 21, idinemanda ni Ariana Grande
Naghain ng $10 million suit ang singer na si Ariana Grande laban sa cloting line na Forever 21 dahil sa paggamit nito ng kaniyang ka-look alike sa kanilang ad campaign.
Ayon kay Grande, ginamit ng Forever 21 at ng anak ng founder nito na si Riley Rose ang kaniyang pangalan, imahe, sa pamamagitan ng pagkuha ng modelo na kaniyang kamukha.
Ginamit ang naturang modelo sa website at social media campaign ng Forever 21.
Ito ay matapos na hindi magkasundo ang naturang kumpanya at ang kampo ni Grande para sa marketing campaign na pangungunahan dapat ng singer dahil sa hindi sapat na bayad na alok ng Forever 21.
Sa reklamo ni Grande, nasa 30 larawan at videos ng ipinakalat ng Forever 21 para sa kampanya, at ginamit pa nito ang audio at lyrics para sa kaniyang No. 1 single na “7 Rings” at ginaya pa ang kaniyang pananamit.
Isinampa ni Grande ang reklamo sa Los Angeles federal court at humiling ito ng danyos na 10 milyong dolyar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.