Bagyong Liwayway lumakas pa; signal No. 1 sa Batanes inalis na ng PAGASA
Lumakas pa ang bagyong Liwayway na nakatakdang lumabas ng bansa sa loob ng susunod na 24 na oras.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA ang Typhoon Liwayway ay huling namataan sa 305 kilometers Northeast ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.
Inalis na ng PAGASA ang umiiral na Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa Batanes.
Ngayong araw hanggang bukas ng umaga, ang bagyong Liwayway ay maghahatid pa rin ng Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Ang Habagat naman ay maghahatid din ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Central Luzon.
Ayon sa PAGASA ang malakas na buhos ng ulan na mararanasan ay maaring magdulot ng landslides o flash floods.
Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo bukas ng tanghali o gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.