15 arestado sa magkahiwalay na anti-drugs operations sa QC, Makati at Maynila
Arestado ang 15 katao sa magkakahiwalay na operasyon kontra iligal na droga sa Quezon City, Makati at Maynila.
Timbog ang 9 na suspek sa buy bust operation sa Barangay Greater Fairview, Quezon City.
Ayon sa pulisya, target ang isang alyas Tontong ng poseur-buyer at nang nakabili ng P200 halaga ng shabu ay sabay-sabay na naaresto ang walo pang kasama nito.
Nakuha sa mga suspek ang 10 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P12,000.
Sa Makati City, arestado ang apat na magkakamag-anak sa operasyon sa East Rembo.
Target si alyas Jaime sa operasyon sa bahay nito kung saan din nito pinapagamit ang kanyang mga customer.
Matapos mag-abutan ng P500 halaga ng shabu, sinalakay ang drug den at naaktuhan ang iba pang suspek na nasa gitna ng pot session.
Narekober sa apat ang 27 sachet ng shabu, buy bust money, gamit na aluminum foul at tooter.
Samantala sa Maynila, sa kasagsagan ng operason ng pulisya laban sa mga kabataang lumabag sa curfew, nahuli ang mag live in partner na naninigarilyo sa pampublikong lugar na ipinagbabawal din sa lungsod.
Dahil dito ay isinakay ang dalawa sa police mobile pero nakita ng mga pulis na may biglang itinapon ang babae sa upuan ng sasakyan.
Sa puntong ito ay nadiskubre ng pulisya ang walong sachet ng shabu na itinapon ng babae.
Itinanggi ng mag live in partner na kanila ang mga droga.
Nahaharap ang 15 na suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.