Pacquiao kay Faeldon: Mag leave of absence para hindi madamay si Pang. Duterte
Para hindi na umano nakakaladkad ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng paglaya ng convict na si Antonio Sanchez, pinayuhan ni Senator Manny Pacquiao si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon na mag leave of absence.
Ang payo ni Pacquiao kay Panelo ay sa gitna ng kontrobersya ukol sa batas sa good conduct na ginamit sanang basehan sa maagang paglaya ng dating alkalde ng Calauan, Laguna.
Ayon sa senador, kung magli-leave si Faeldon ay hindi na mapapahiya ang pangulo at ang administrasyon nito.
Dahil ang pangulo anya ang nagtalaga kay Faeldon ay nadadamay ito sa gulo kaya kung iginagalang umano ng BuCor chief ang presidente ay mabuting magpahinga muna ito.
Naniniwala naman si Pacquiao na maling palayain si Sanchez at ibang convicts ng karumal-dumal na krimen.
Dahil sa kaguluhan sa good conduct time allowance (GCTA) law ay ito anya ang mabuting panahon para ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.