DILG muling tutugisin ang mga convict na napalaya dahil sa GCTA

By Angellic Jordan September 04, 2019 - 12:10 AM

Magpapakalat ang Department of Interior ang Local Government (DILG) ng tracker team na muling tutugis sa mga maagang napalaya na kriminal na sangkot sa karumal-dumal na krimen.

Sa isang panayam, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ikakasa ito oras na bawiin ang release order sa mga nabigyan ng benepisyo sa ilalim ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Aniya, magiging iba ang sistema ng operasyon sa muling pag-aresto sa mga nasabing convicted criminal.

Iginiit din nito na hindi na kailangan ng arrest warrant dahil oras na kanselahin ang kanilang release order, maikokonsidera na silang pugante.

Samantala, naniniwala rin ang kalihim na dapat ibalik sa kulungan ang mga kriminal na sangkot sa heinous crime at ilegal na droga.

Nakikita aniyang hindi maayos ang naging pag-compute sa GCTA ng mga kriminal kung kaya’t kailangan aniyang itama ito.

Sa tala ng Bureau of Corrections (BuCor), nasa kabuuang 22 thousand 49 na bilanggo ang maagang napalaya kung saan 1 thousand 914 ang sangkot sa heinous crimes.

 

TAGS: Arrest Warrant, bucor, convicts, DILG, DILG Secretary Eduardo Año, GCTA, heinous crime, karumal-dumal na krimen, napalaya, pugante, release order, tracker team, tutugis, Arrest Warrant, bucor, convicts, DILG, DILG Secretary Eduardo Año, GCTA, heinous crime, karumal-dumal na krimen, napalaya, pugante, release order, tracker team, tutugis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.