Snatcher ng cellphone patay matapos manlaban sa pulisya sa Rizal

By Angellic Jordan September 04, 2019 - 12:01 AM

Nasawi ang isang hinihinalang magnanakaw matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Rizal araw ng Martes.

Batay sa ulat ng Calabarzon police, nanghablot ng cell phone ang suspek na kilala lamang sa pangalang ‘Michael Nguso’ at kasamahan nito sa bahagi ng Barangay San Jose, Antipolo City.

Nagsumbong ang biktima sa mga pulis ngunit agad nakasakay ang mga suspek sa isang pampasaherong jeep.

Naabutan ng mga otoridad ang dalawa sa Barangay Dolores sa Taytay ngunit nagpaputok ng baril ang mga suspek.

Gumanti ng putok ng baril ang mga pulis dahilan para matamaan at masawi si Michael habang nakatakas naman ang kasamahan nito.

 

TAGS: alyas Michael Nguso, Antipolo, cellphone, nanlaban, patay, Rizal, snatcher, alyas Michael Nguso, Antipolo, cellphone, nanlaban, patay, Rizal, snatcher

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.