Spinner dolphin natagpuang patay sa Catanduanes

By Angellic Jordan September 03, 2019 - 11:53 PM

Natagpuang patay ang isang spinner dolphin sa baybaying-dagat ng San Andres, Catanduanes araw ng Martes.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), natagpuan ang dolphin sa bahagi ng Barangay Palawig bandang alas sais ng umaga.

Sinabi rin ng BFAR na magsasagawa ng necropsy o autopsy sa hayop para malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.

Ito na ang ikawalong tubig-hayop na natagpuang patay sa karagatang sakop ng probinsya ng Bicol ngayong taon.

 

TAGS: baybaying dagat, BFAR, catanduanes, Natagpuang patay, necropsy, spinner dolphin, tubig-hayop, baybaying dagat, BFAR, catanduanes, Natagpuang patay, necropsy, spinner dolphin, tubig-hayop

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.