2 Chinese arestado sa umanoy paggahasa sa kasambahay sa Parañaque

By Len Montaño September 03, 2019 - 11:41 PM

Inireklamo ng isang kasambahay ang dalawang Chinese nationals dahil sa paggahasa umano sa kanya habang siya ay natutulog sa bahay sa Barangay Baclaran, Parañaque.

Arestado sina Yonghseng Zhao, 20 anyos at Zhangqiu Cheng, 36, nagtatrabaho sa bansa bilang mga call center agents.

Nabatid na lasing ang dalawang dayuhan nang abusuhin umano ang stay-in maid.

Ayon sa Parañaque City Police Station, natutulog ang 27 anyos na kasambahay sa bahay nang gahasain umano siya ng dalawang dayuhan alas 3:00 Lunes ng madaling araw.

Naaresto ang mga suspek matapos magpatulong ang biktima sa mga gwardya na nagreport ng insidente sa pulisya.

 

TAGS: arestado, call center agents, chinese national, kasambahay, lasing, natutulog, Paranaque, rape, stay-in maid, arestado, call center agents, chinese national, kasambahay, lasing, natutulog, Paranaque, rape, stay-in maid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.