Panelo dadalo sa mga pagdinig ng Kongreso sa GCTA Law

By Chona Yu September 03, 2019 - 10:59 PM

Kuha ni Chona Yu

Handa si Presidential Spokesman Salvador Panelo na dumalo sa pagdinig ng Senado at Kamara kaugnay sa Good Conduct Time Allowance Law.

Pahayag ito ni Panelo matapos makaladkad ang kanyang pangalan nang magbigay ng referral letter kay Board of Pardons and Parole (BPP) Executive Director Reynaldo Bayang na humihirit na pagkalooban ng executive clemency ang kanyang dating kliyente na si convicted rapist at murderer Antonio Sanchez.

Ayon kay Panelo, transparent ang record sa Malakanyang na nakipagpulong siya sa pamilya Sanchez noong February 2019.

Una rito, sinabi ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na dapat na dumalo si Panelo sa mga pagdinig ng kongreso para mabigyang linaw ang pagpapadala niya ng referral sa BPP.

Katwiran ni Panelo, wala siyang ginagawang masama at hindi mali na irefer sa BPP ang hiling ng pamilya Sanchez na bigyan clemency ang dating Calauan, Laguna Mayor.

 

TAGS: Antonio Sanchez, board of pardons and parole, dadalo, executive clemency, GCTA, Kamara, pagdinig, Presidential spokesman Salvador Panelo, referral, Senado, Antonio Sanchez, board of pardons and parole, dadalo, executive clemency, GCTA, Kamara, pagdinig, Presidential spokesman Salvador Panelo, referral, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.