Lalaking dumukot ng sanggol arestado sa Cagayan de Oro

By Len Montaño September 03, 2019 - 09:50 PM

Gingoog City Police photo

Timbog ang isang lalaki na umanoy dumukot sa isang bagong silang na sangool sa isang lying-in clinic sa Gingoog, Cagayan de Oro.

Ayon kay Brig. Gen. Rafael Santiago Jr., director ng Police Regional Office 10 (Northern Mindanao), ang suspek ay nakilalang si Richard Bernades, 20 anyos.

Dinukot umano ni Bernades ang isang babaeng sanggol sa Gingoog City Puericulture Center noong Linggo ng umaga.

Sinabi ni PRO 10 spokesperson Lt. Col Mardy Hortillosa II sa INQUIRER.net na ayon sa suspek, gusto lamang nito na magkaroon ng anak.

Batay sa CCTV footage sa naturang paanakan at pahayag ng mga testigo, unang inakala na babae ang suspek na nasa pagitan ng 57 at 63 anyos.

Pero nabatid na ang suspek ay isang bakla na mahaba lamang ang buhok.

Bago maaresto sa kanyang bahay, may nakarinig ng iyak ng sanggol mula sa abandonadong bahay malapit sa isang babuyan at dinala ito sa istasyon ng pulisya.

Dito nalaman na ang sanggol ang nawawalang anak ni Marichu Tolorio Villegas.

 

TAGS: bagong silang, bakla, birthing center, Cagayan De Oro, dumukot, gingoog city, Gingoog City Puericulture Center, kidnapper, sanggol, bagong silang, bakla, birthing center, Cagayan De Oro, dumukot, gingoog city, Gingoog City Puericulture Center, kidnapper, sanggol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.