300 tonelada ng basura, nakolekta ng MMDA

By Isa Umali January 03, 2016 - 10:39 PM

AFTER THE CELEBRATION - TRASHES AT LUNETA PARK / DEC 26 2012 Workers sweep up piles of garbage left behind by people who tropped yesterday on Luneta Park to spend the Christmas Day in Manila. PHOTO BY RICHARD A. REYES
PHOTO BY RICHARD A. REYES

Mahigit tatlong daang toneladang basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa iba’t ibang siyudad sa Kalakhang Maynila matapos ang New Year revelries.

Ayon kay MMDA Metro Parkway Clearing Group Chief Francis Martinez, mula January 01 hanggang 03, 2016, ang MMDA ay nakakolekta ng 319 tons ng basura o 1,086 cubic meters ng mga kalat.

Gayunman, mas mababa raw ito kumpara sa 2000 cubic meters na basura na nakolekta noong nakalipas na taon.

Sinabi ni Martinez na ang pagkaunti ng mga basura ay dahil sa ulan na naranasan noong bisperas ng Bagong Taon hanggang sa mismong unang araw ng 2016.

Maaari rin daw na nadiscourage ang publiko na magpa-ilaw o magpaputok noong pagsalubong sa New Year.

Ani Martinez, nauna nang idineploy ang mga MMDA personnel sa ilang specific areas sa Metr Manila, lalo na sa mga pampublikong lugar gaya ng mga parke, Rizal Parl at Baywalk sa Maynila.

Karamihan sa mga basurang nakolekta ng MMDA ay mga basyo ng paputok, plastic bags, mga bote, food wrappers at mga upos ng sigarilyo.

TAGS: holiday garbage collected in metro manila, holiday garbage collected in metro manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.