GCTA law ipinababasura na nina Sotto, Lacson at Gordon
Ipinanukala ng tatlong senador na bawiin ang Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) na nagbibigay-benepisyo sa ilang preso na mapaiksi ang kanilang sentensya base sa magandang pag-uugali sa piitan.
Ito ang nais nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senators Panfilo “Ping” Lacson at Richard Gordon matapos ang pagtutol sa pagpapalaya kay convicted rapist-murderer na si Antonio Sanchez.
Naniniwala ang nasabing mga mambabatas na masyadong maraming butas ang nasabing batas.
Ang GCTA law ang naging ugat sa pagpapalaya ng ilang mga preso kung saan kabilang sa mga napalaya ay sangkot sa heinous crimes tulad ng rape, murder at illegal drugs.
Layon ng batas na mabawasan ang dumaraming populasyon sa mga kulungan.
Ngunit, paliwanag sa inihaing bill, maaapektuhan ang pagbibigay ng hustisya para sa mga biktima at kaanak nito.
Dagdag pa nito, laging nagbabago ang batas base sa kung ano ang sitwasyon sa lipunan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.