Inquirer.net at Rappler kakasuhan ni Panelo

By Den Macaranas September 03, 2019 - 04:24 PM

INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Inihayag ni Presidential Spokesman at Chief Presidendial Legal Counsel Salvador Panelo na kakasuhan niya ng libelo ang Inquirer.net at Rappler.

May kaugnayan ito sa lumabas na balita sa nasabing mga online news site kaugnay sa pagbibigay ni Panelo ng referral letter sa Board of Pardons and Parole (BPP).

Sa pagdinig ng Senado kanina ay inamin ng pinuno ng BPP na sumulat sa kanya si Panelo kung saan ay inindorso nito ang sulat ng isa sa mga anak ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Laman ng liham ang hirit ng pamilya Sanchez na mapalaya ang kanilang ama sa pamamagitan ng executive clemency.

Sa pulong balitaan sa Malacanang, sinabi ni Panelo na malisyoso ang isinulat ng Inquirer.net at Rappler na nagsasabing inindorso niya sa BPP ang executive clemency para sa dating alkalde na dati rin niyang kliyente.

Malinaw umano sa pahayag ng BPP na sulat ang kanyang inindorso at ito umano ay kanyang ginagawa sa lahat ng mga lumalapit sa kanyang tanggapan.

Bahagi rin ito ng pagsunod sa utos ng pangulo na “good governance” ayon pa sa kalihim.

TAGS: GCTA, inquirer, letter, panelo, PBB, sanchez, Senate, GCTA, inquirer, letter, panelo, PBB, sanchez, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.