25 patay sa nasunog na scuba diving vessel sa California

Patay ang dalawampu’t limang katao makaraang masunog sang isang scuba diving vessel sa Southern California island sa Estados Unidos.

Batay sa ulat ng Santa Barbara sheriff, sumiklab ang sunog sa Concepcion boat sa Santa Cruz Island bandang alas tres kinse, Lunes ng madaling-araw.

Nasa tatlumpu’t siyam ang sakay ng nasabing water craft.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang siyam pang katao.

Sinusubukan dn ng otoridad na maiahon ang lumubog na bangka at madala sa baybaying-dagat.

Read more...