Panelo todo-depensa sa pag-refer ng kaso ni Sanchez sa Board of Pardons and Parole

By Chona Yu September 03, 2019 - 03:01 PM

Inquirer file photo

Pinabulaanan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na inirekomenda niya sa Board of Pardons and Parole na pagkalooban ng executive clemency si convicted rapist at murderer Antonio Sanchez.

Ayon kay Panelo, inirefer lamang niya sa BPP ang liham ni Marie Antonelvie Sanchez, isa sa mga anak ng dating alkalde ang kanilang apela na executive clemency.

Noong February 26, 2019 nang magpadala si Panelo ng liham kay BPP executive director Reynaldo Bayang subali’t na-reject aniya ito noong April 2019.

Iginiit pa ni Panelo na hindi dapat na kulayan ang kanyang referral letter sa BPP dahil normal na sa kanyang tanggapan ang makatanggap ng sangkaterbang request kada araw.

Ayon kay Panelo, sinusundan lamang niya ang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na tugunan ang lahat ng liham na natatanggap.

TAGS: board of pardons and parole, executive clemency, GCTA, panelo, sanchez, board of pardons and parole, executive clemency, GCTA, panelo, sanchez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.