Bagyong Liwayway mas lumakas pa, isa nang severe tropical storm

By Ricky Brozas September 03, 2019 - 12:01 PM

Mas lumakas pa ang bagyong “Liwayway” na binabantayan ng PAGASA.

Alas 8:00 umaga ng Martes nang itaas ng weather Bureau sa severe tropical storm ang bagyo.

Magdudulot ito ng mahina hanggang sa katamtamang at manaka-nalang malakas na pag-ulan sa Apayao, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, at Batanes.

Magdadala naman ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat ang Southwest Monsoon o habagat sa Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, northern portions of Palawan kasama na ang Calamian Islands, Mindoro Provinces, at natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region.

Sa Miyerkules at umaga ng Huwebes ay magdadala ang trough ni Liwayway at ang habagat ng katamtaman at manaka-nakang malakas na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga mabababang lugar sa mga nabanggit na lokasyon na maging handa sa posibilidad ng pagbaha at landslides.

Ang mga residente naman ng Batanes ay inaabisuhan na maging alerto sa malakas na hanging dulot ng bagyo.

Hindi naman magla-landfall si Liwayway pero mananatili ang epekto nito sa bansa hanggang Huwebes ng umaga.

Mapanganib sa anumang uri ng sasakyan pandagat ang paglalayag sa seaboards ng Luzon kabilang na ang mga lugar na nasa signal number 1 dahil sa masungit na karagatan.

TAGS: at natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region., calabarzon, Central Luzon, habagat, Ilocos Region, liwayway, Metro Manila, Mindoro provinces, northern portions of Palawan kasama na ang Calamian Islands, Pagasa, Severe tropical storm, at natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region., calabarzon, Central Luzon, habagat, Ilocos Region, liwayway, Metro Manila, Mindoro provinces, northern portions of Palawan kasama na ang Calamian Islands, Pagasa, Severe tropical storm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.